Ang aking tatay ay si Luciano D. Tuazon Jr. Nakatira sa Bacal lll, Talavera, Nueva Ecija, ipinanganak nuong Pebrero 18, 1951. Siya ay nagmamaneho ng tricycle at kung minsan ay tumutulong sa mga kapatid niya kapag may ipinapagawa. Mahilig matulog ang tatay ko kapag natapos siyang kumain sa gabi dahil pagod sa trabaho at makipaglaro sa aso`t pusa namin.
Ang nanay ko naman ay si Lorna D. Tuazon. Nakatira sa Bacal lll, Talavera, Nueva Ecija, ipinanganal nuong Oktubre 18, 1973. Nagtatrabaho sa ibang bansa ang aking nanay bilang isang DH. Umalis siya dito sa Pilipinas nuong ako`y dalawang taon at kalahati. Mahilig siyang magtrabaho dahil hanggang ngaun ay hindi pa siya permanenteng naninirahan dito.
Simple lang ang pamilya namin ngunit ito ay punong-puno ng pagmamahalan, pagtutulungan, at higit sa lahat ay may takot sa Diyos.
Lunes, Hulyo 25, 2011
Ako Si?
Ako si Sylvester D. Tuazon, nakatira sa Bacal lll, Talavera, Nueva Ecija. Labing pitong taong gulang, ipinanganak noong Agosto 22, 1993 sa Jasmine Street, Science City of Muñoz, Nueva Ecija at nag-iisa lang akong anak. Ako`y kasalukuyang nag-aaral sa Central Luzon State University(C.L.S.U.) sa kursong Bachelor of Science in Information Technology(BSIT). Ako ay may pangarap na makatapos ng pag-aaral at makahanap na magandang trabaho upang matulungan ko ang aking pamilya at masuklian lahat ng sinakripisyo nila sa akin.
Naglalaro ako ng arnis at nakasali nadin ako sa CLRAA nuong taong 2008-2009. Tumutugtog din ako ng mga instrumento tulag ng: drums, bass, gitara at may konting kaalaman sa pagtugtog ng keyboard, kabilang din ako sa Praise and Worship team sa Jesus Christ the Source of Life-Assembly of God(JCSL-AG). Mahilig din ako maglalaro din ako ng table tennis.
Mga paborito kong pagkain ay tsokolate, kahit anung luto ng manok, lahat din ng lutong adobo at madami pang iba basta nakakain.
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)