Lunes, Hulyo 25, 2011

Pamilya Ko

           Ang aking tatay ay si Luciano D. Tuazon Jr. Nakatira sa Bacal lll, Talavera, Nueva Ecija, ipinanganak nuong Pebrero 18, 1951. Siya ay nagmamaneho ng tricycle at kung minsan ay tumutulong sa mga kapatid niya kapag may ipinapagawa. Mahilig matulog ang tatay ko kapag natapos siyang kumain sa gabi dahil pagod sa trabaho at makipaglaro sa aso`t pusa namin.

           Ang nanay ko naman ay si Lorna D. Tuazon. Nakatira sa Bacal lll, Talavera, Nueva Ecija, ipinanganal nuong Oktubre 18, 1973. Nagtatrabaho sa ibang bansa ang aking nanay bilang isang DH. Umalis siya dito sa Pilipinas nuong ako`y dalawang taon at kalahati. Mahilig siyang magtrabaho dahil hanggang ngaun ay hindi pa siya permanenteng naninirahan dito.

           Simple lang ang pamilya namin ngunit ito ay punong-puno ng pagmamahalan, pagtutulungan, at higit sa lahat ay may takot sa Diyos.        

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento