Linggo, Agosto 7, 2011

Si Crush...

     Crush, ay nararamdaman ng bawat isa. Ito ay paghanga sa isang tao pisikal man o panloob na kaanyuan. Ito ay naramdaman ko noong ako`y elementarya at hanggang sa ngayon. Kapag ako ay nagkacrush hindi na ito madadagdagan pa gusto ko isa lang ang hinahangaan ko. Nagsimula nga ito noong nakaraang taon ng pasukan, doon ko nakilala ang crush ko. Walang iba kundi si Roselyn Japson na kasintahan ko ngayon. Hinahangaan ko siya noong una ko siyang nakita dahil sa pisikal na kagandahan, ugali at ka-simplehan sa sarili. Noong Hulyo taong 2010 ay nagkaroon na kami ng komunikasyon sa pamamagitan ng cellphone, sa paraang ito ko siya nakilala at napalapit  kami sa isa`t isa. At noong mga nakalipas pang araw at buwan ay niligawan ko na siya dahil sa kagandahang ugali niya na unang hinangaan ko sa kanya. Ika-19 ng Nobyembre ay naging kami na,kaya nga crush ko siya hanggang ngayon at love ko na rin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento